DENGVAXIA CONTROVERSY | Pangulong Duterte hawak na ang mga pangalan ng mga foreign experts na siyang mag-aaral sa Dengvaxia

Manila, Philippines – Hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist ng foreign experts na bubuo sa three-man panel na magsusuri sa anti–dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang nagsumite ng shortlist kay Pangulong Duterte.

Aniya, apat na eksperto mula sa Vietnam, Thailand, Singapore at Sri Lanka ang kabilang sa pagpipilian ng Pangulo.


Kasabay nito, tiniyak ni Roque, na sapat ang nakalaang pondo para sa pag-iimbita ng mga eksperto mula sa ibang bansa.

Facebook Comments