DENGVAXIA | Dagupeño walang dapat ikabahala!

DAGUPAN CITY – Mainit na pinag-uusapan ngayon ang kontrobersya ng dengue vaccine na ipinamahagi ng DoH sa piling rehiyon ng bansa sa ilalim ng pamumuno ng noon ay DoH Sec. Garin. Ngunit dahil sa pagkamatay ng mga ilang bata na naturukan ng nasabing vaccine ay naalarma ang mga magulang sa buong bansa at pinasisiguro kung nakasama ba ang lugar o eskwelahan ng kanilang mga anak. Ito ay matapos napag-alaman na posibleng magkaroon ng mas matinding sakit ang mga batang nabigyan ng nasabing vaccine kung hindi pa sila nagkakadengue.

Sa lungsod ng Dagupan kinumpirma ng City Health Office na walang mga kabataan o mga estudyante mula sa lungsod ang nabigyan ng bakunang Dengvaxia.

Dagdag pa nito na hindi kasali sa listahan ng mga lugar na may mataas na kaso ng dengue ang lungsod ng Dagupan kung kaya’t hindi nila isinagawa ang nasabing libreng pabakuna dito sa lungsod.


Sa ngayon gumugulong ang imbestigasyon sa senado at hinihikayat ng pamunuan ng DOH na huminahon at hintayin ang pinal na kalalabasan ng nasabing imbestigasyon at iwasan ang mga espikulasyon hinggil sa vaccine na wala naming kongkretong ebidensya. Ito ay upang maiwasan ang kalituhan, panic, at kaguluhan sa publiko.

Ulat ni Anthonette Joyce M. Camacho

Facebook Comments