Manila, Philippines – Nagpalabas na ng dengue assessment tool ang ilang mga paaralan kasunod ng pag-uutos ng Department of Health para tutukan ang mga estudyanteng nabakunahan ng Dengvaxia o anti-dengue vaccine.
Naglabas na rin ang DepEd ng memorandum no. 199 na nag-uutos sa lahat ng school admin at personnel na reviewhin ang masterlist ng kanilang mga mag-aaral na sumailalim sa libreng bakuna at magsagawa ng surveillance.
Samantala, iniengganyo rin ang mga magulang na makiisa sa information campaign drive na gagawin sa mga paaralan.
Umaepela naman ang Dept. of Health sa mga magulang na huwag sanang madamay ang iba pang vaccination program ng departamento dahil sa nangyaring ito.
Facebook Comments