DENGVAXIA | DOH, nakipag-ugnayan na DOJ para sa pathological analysis ng mga namatay na batang nabakunahan

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa Department of Justice (DOJ) para sa pathological analysis ng mga namatay na bata na nabakunahan ng Dengvaxia.

Ayon kay Dr. Juliet Sio-Aguilar, head of the University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) expert panel, layon nilang makumpleto ang report at imbestigasyon na ginagawa ng Dengavaxia Investigative Task Force (DITF).

Aniya, walang tiyak na ebidensiya at kakailanganin pa ng karagdagan pagsususuri sa mga tissue samples para direktang maiugnay sa Dengvaxia ang sanhi ng pagkamatay ng mga bata.


Iginiit pa ni SIO-Aguilar na kakailanganin rin nila ang autopsy result na isinagawa ng Public Attorney’s Office.

Aminado naman ang doh na magkaiba ang listahan na sinuri nf DITF kaysa sa mga sinuri ng PAO.

Una nang nilabas ng DITF na tatlo sa 14 na mga batang namatay ay nagkaroon ng severe dengue at dalawa sa kanila ay posible sa vaccine failure.
<#m_-8921000752420948487_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments