DENGVAXIA | DOH, nanawagan sa DOJ na maglabas na ng resolusyon sa mga kaso

Manila, Philippines – Nanawagan si Health Sec. Francisco Duque III sa Department of Justice (DOJ) na maglabas na ng resolusyon sa mga kasong isinampa ng iba’t ibang grupo kaugnay ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Para kay Duque – napapanahon na para maglabas ng resolusyon ang DOJ nang sa gayon ay manumbalik ang tiwala ng mga tao sa immunization program ng gobyerno.

Kung maaalala, maraming magulang ang natakot na pabakunahan ang kanilang mga anak kasunod ng insidente ng pagkamatay ng ilang bata na isinisisi sa Dengvaxia vaccine.


Kaugnay nito, muling umapela ang kalihim sa mga magulang na huwag ipagkait sa kanilang mga anak ang pagpapabakuna.

Samantala, ayon kay Duque – tuluy-tuloy ang ginagawa nilang outbreak responce immunization sa Sarangani province kung saan nakapagtala ng maraming kaso ng tigdas.

Facebook Comments