DENGVAXIA | DOH, nangako ng suporta sa isinasagawang imbestigasyon ng PAO

Manila, Philippines – Nangako ang Department of Health (DOH) ng suporta sa isinasagawang imbestigasyon ng Public Attorney’s Office (PAO) kaugnay sa usapin ng pamamahagi ng Dengvaxia vaccines sa mga mag-aaral.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, welcome sa kanila ang pagsasagawa ng autopsy ng PAO sa mga biktimang di umano’y nasawi matapos magkaroon ng severe dengue.

Handa aniya nilang ibigay ang mga dokumento o data na kakailanganin ng PAO, lalo’t lahat naman aniya ay nagnanais na mapalabas ang katotohanan.


Sa kasalukuyan, nagsasagawa rin ang DOH ng hiwalay na imbestigasyon kaugnay sa naturang usapin, kung saan tiniyak ng kalihim na ang panel of experts na kinuha nila para sa imbestigasyon ng Dengvaxia issue ay walang kinalaman sa Sanofi Pasteur na manufacturer ng nasabing bakuna, para sa patas at malinis na imbestigasyon.

Facebook Comments