Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na walang direktiba si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa Public Attorney’s Office o PAO na itigil na ang kanilang autopsy sa mga labi ng mga batang pinaniniwalaang namatay sa Dengvaxia Vaccine.
Ang paglilinaw ng DOJ ay sa harap ng panawagan ng mga doktor mula sa Doctors for Public Welfare o DPW sa pangunguna ni dating Health Secretary Esperanza Cabral na itigil na ng PAO ang pagsasagwa ng otopsiya sa mga batang sinasabing namatay matapos mabakunahan ng dengvaxia.
Partikular na ikinatwiran ng grupo ni Cabral ang kawalan ng malinaw na katibayan na sa Anti-Vaccine nga nasawi ang mga bata.
Una rito, nanawagan ang grupo sa Department Of Justice na atasan ang PAO na itigil na nito ang kanilang autopsy at ipaubaya na lamang ito sa mga Competent Forensic Pathologist.