Manila, Philippines – Nahaharap muli ng panibagong kasong kriminal sina dating Health Secretary Janette Garin at 38 iba pa dahil sa pagkamatay ng ilang estudyanteng naturukan ng Dengvaxia.
Nagsampa ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa anti-torture act at consumer act sa Department of Justice (DOJ) sa pamilya ng 10 pang biktima.
Bukod kay Garin, kinasuhan din ang ilang health officials kabilang si kasulukuyang Secretary Francisco Duque III at mga executives ng manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur at ang distributor nitong Zuellig Pharma.
Ang 10 bagong kaso ay kasama na sa 27 kabuoang bilang ng kaso isinampa sa DOJ sa pamamagitan ng Public Attorney’s Office (PAO).
Facebook Comments