DENGVAXIA HEARING | Nararapat na respeto, ibibigay kay dating Pangulong Aquino sa pagdalo sa pagdinig

Manila, Philippines – Tiniyak ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon na ipagkakaloob nila ang nararapat na respeto para kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ay sakaling humarap si Aquino bukas sa pagpapatuloy ng pagdinig ukol sa isyu laban sa anti-dengue vaccine na ginastusan ng gobyerno ng 3.5 billion pesos.

Sabi ni Gordon, maliban sa pagiging dating Pangulo ay dati rin nilang kasamahan sa Senado si Aquino kaya igagalang nila ito.


Diin ni Gordon, nais lang naman nilang malaman mula kay Aquino ang katotohanan sa likod ng mga kontrobersiya sa pagbili ng nabanggit na bakuna.

Maliban kay Aquino, ay pinadalhan din ng imbitasyon ng komite sina dating Executive Secretary Pacquito Ochoa at dating Budget Secretary Butch Abad.

Facebook Comments