DENGVAXIA | Imbestigasyon ng PAO, dapat nang ipaubaya sa expert panel ng DOH ayon sa Senado; Hiling na i-refund din ang mga nagamit na bakuna, pinalagan ng Sanofi

Manila, Philippines – Umapela ngayon ang Senado sa publiko na magtiwala sa mga eksperto.

Kasunod na rin ito ng mga kumu-kwestyon sa kredibilidad ng inilabas na report ng Department of Health sa Clinical at Pathological Studies sa kaso ng mga biktimang di umano’y namatay matapos maturukan ng Dengvaxia Vaccine.

Sa interview ng RMN, sinabi ni Senate Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito na bagamat nirerespeto niya ang tulong ng Public Attorney’s Office (PAO) dapat nang hayaan sa mga eksperto ang pag-iimbestiga upang hindi magdulot ng panic sa publiko .


Tinanggihan ngayon ng Sanofi Pasteur ang hiling ng Department of Health (DOH) na magkaroon din ng refund sa mga nagamit na Dengvaxia Vaccine.

Kung maalala una nang pumayag ang Sanofi sa refund na mahigit P1 bilyon para sa mga dengvaxia na hindi pa nagamit at nasa pangangalaga ng DOH.

Sa statement ng Sanofi, dumipensa ito na kung pumayag sila sa refund sa mga doses ng dengvaxia na nagamit ay pag-amin din nito na hindi epektibo ang bakuna.

Facebook Comments