DENGVAXIA ISSUE | 35 respondents, kinasuhan ng PAO

Manila, Philippines – 35 respondents ang hinainan ngayon ng Public Attorney’s Office ng kaso sa Department of Justice kaugnay sa usapin ng Dengvaxia.

Ilan sa mga pinangalanan ay mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH, dating DOH Secretary Dr. Janette Garin, ilang Official ng Sanofi at si Dr. Lyndon Lee Suy.

Hindi pa kabilang sa mga binanggit ang pangalan ni dating pangulong Noynoy Aquino.


Ayon kay PAO Chief Atty. Percida Acosta mayroon pang ibang John Does na hindi muna nila papangalan hanggat wala pang resulta ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.

Apat na pamilya mula sa 1st batch ng mga namatayan dahil umano sa Dengvaxia ang nagsampa ng kasong torture resulting to death at reckless imprudence resulting o homicide.

Dagdag pa ni Atty. Acosta, mayroon pa silang second batch ng mga pamilyang magsasampa ng kaso sa mga susunod na lingo.

Facebook Comments