Manila, Philippines – Inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee na sampahan ng kasong kriminal sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janet Garin at dating Budget Secretary Butch Abad dahil sa kontrobersyal na Dengvaxia.
Sa committee report na inilabas ni Committee Chairman Senator Richard Gordon ay kanyang binigyang din na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan nina Aquino, Garin, at Abad para mabili agad ang Dengvaxia vaccine bago ang Presidential Elections noong 2016.
Malaki aniya ang kasalanan ni Pangulong Aquino dahil hindi nito nagampanan ang sinumpaang tungkulin na proteksyunan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino at sa halip ay inilagay pa sa peligro ang buhay ng 830,000 na binakunahan Dengvaxia.
Ayon sa committee report, minadali ang pagbili, hindi ikinokonsidera ang negatibong findings at mga babala ng international at local health experts at agad isinagawa ang mass vaccination.
Kinwestyon din ni Gordon ang pahintulot ni dating Pangulong Aquino na magamit ang 3.5 billion pesos ang savings mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund o MPBF pambili ng Dengvaxia.
Kabilang sa mga kasong inirekomenda na isampa laban kina Aquino, Garin, Abad at iba pang mga opsiyal ng mga kinauukulang ahensya ay paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, code of conduct and ethical standards for public officials and employees.
Tiwala naman si Senator Gordon, na aaksyuna ni Ombudsman Conchita Carpio Moralis ang rekomendasyon ng komite kahit si dating Pangulong Aquino ang nagtalaga dito.