DENGVAXIA ISSUE | Dating Pangulong Noynoy Aquino at dalawa nitong dating gabinete, ipinatatawag ng COMELEC

Manila, Philippines – Ipinatawag ng Commission on Elections (COMELEC) si dating Pangulong Noynoy Aquino at dalawa nitong dating gabinete kaugnay ng election offense na may kaugnayan sa Dengvaxia.

Bukod kay Aquino, naglabas din ng subpoena ang law department ng poll body para kina dating Budget Sec. Butch Abad at dating Health Sec. Janette Garin.

Pinadadalo sila sa nakatakdang preliminary hearing sa March 15, alas-dyes ng umaga.


Sa pagdinig, pagsusumitehin ang tatlo ng kanilang counter affidavit para sa reklamong inihain ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Base sa reklamo ng VACC at ni dating DOH Consultant Dr. Francis Cruz, ipinatupad ang programa noong April 4, 2016 na sakop ng 45-day election ban para sa mga government projects bago ang May 2016 polls.

Facebook Comments