Manila, Philippines – Nagbanta si House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Johnny Pimentel na maaaring ipakulong ng Kamara sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Secretary Butch Abad.
Ito ay kung hindi dadalo sa susunod na pagdinig ng Kamara sa Dengvaxia controversy.
Paliwanag ni Pimentel, maaaring sapitin nila Aquino at Abad ang dinanas ng Ilocos 6 na na-detain sa Batasan Complex kung hindi makikipagtulungan ang mga ito sa imbestigasyon.
Aniya, mayroon namang kapangyarihan ang Kamara sa ilalim ng batas na magpa aresto at magpakulong ng isang indibidwal kapag ang mga ito ay nai-cite for contempt.
Pero, sa kabila ng babala sa dating Pangulo at dating Budget Secretary, naniniwala naman si Pimentel na dadalo sa pagdinig si Aquino at si Abad.