DENGVAXIA ISSUE | Department of Health, humingi ng full refund sa Sanofi Pasteur para sa mga nagamit na Dengvaxia vaccine

Manila, Philippines – Nagsumite na ng demand letter ang Department of Health sa Sanofi Pasteur para sa full refund ng mga nagamit na Dengvaxia vaccine sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Fracisco Duque III, nasa 2 hanggang 3 bilyong pisong halaga ang ginastos ng ahensya sa mga nagamit na bakuna.

Aniya, ang kini-claim na proteksyon ng Dengvaxia ay hindi naman naramdaman.


Sinabi naman ni Duque na halos fully paid na ang refund ng mga hindi pa nagagamit na Dengvaxia vaccine.

Facebook Comments