Manila, Philippines – Nag-isyu ang Department of Justice (DOJ) ng immigration lookout bulletin order laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa Dengvaxia controversy.
Bukod kay Aquino, nasa listahan din sina dating Budget Sec. Florencion Abad, dating Executive Sec. Paquito Ochoa, Jr. at Health Sec. Janette Garin.
Inakusahan sina Aquino ng gross inexcusable negligence dahil sa pagbili ng Dengvaxia kahit walang kasiguraduhan ang bisa nito sa mga mabababakunahan.
Dahil dito, inatasan na ng DOJ ang mga Immigration Officers na maging alerto at bantayan ang mga nasa listahan na posibleng umalis ng bansa.
Nabatid na nasa mahigit 700,000 mga mag-aaral mula sa pampublikong paaralan ang binakunahan ng Dengvaxia sa ilalim ng programa ng Dept. of Health (DOH).