Manila, Philippines – Inamin ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na nabahiran ng negatibong epekto ng Dengvaxia Vaccine ang ibang immunization program ng Department of Health.
Ito ay bunsod na rin ng takot ng publiko sa pagkamatay ng ilang mga nabakunahan ng Dengvaxia.
Ayon kay Duque, nagkaroon ng pagbaba sa mga nagpapabakuna sa ibang immunization program ng ahensya dahil sa epekto ng Dengvaxia.
Bumaba sa ilang bahagi ng bansa lalo na sa Davao ang ibang immunization program kaya’t sinisikap ng ahensya na maisulong ang “Tried and Tested” vaccines para sa mga kabataan.
Pero muling nilinaw naman ni Health Usec. Eric Domingo na sa 14 deaths na inimbestigahan ng DOH, 3 lamang dito ang Dengvaxia related deaths.
Nilinaw naman na hindi pa rin masasabi na ang Dengvaxia Vaccine talaga ang naging dahilan ng pagkasawi ng mga kabataan dahil ang mga ito ay maysakit na ng severe dengue ng mabakunahan.