DENGVAXIA ISSUE | Kinatawan mula sa WHO, nais mapasama ng DOH sa mga panel of experts na susuri sa mga nabakunahan ng Dengvaxia na namatay

Manila, Philippines – Nais ng Department of Health na magkaroon ng kinatawan ang World Health Organization sa panel of expert na mag-iimbestiga sa naturuan ng Dengvaxia at namatay.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, may ginagamit ang WHO na Algorithm sa pag-aaral nito hinggil sa epekto ng anumang bakuna.

Pero komplikado aniya ang Algorithm na ito at kailangang mabigyan ng training ang mga eksperto.


Nilinaw naman ng DOH na makikipagtulungan pa rin sila sa mga eksperto ng UP-PGH na una nang naglabas ng resulta ng kanilang imbestigasyon sa mga nasawing estudyanteng naturukan ng Dengvaxia.

Facebook Comments