Manila, Philippines – Inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng kaso laban sa French drug manufacturer na Sanofi Pasteur at mga opsiyal nito kaugnay sa kontrobersyal na Dengvaxia.
Nakasaad sa draft report na inilabas ni Committee Chairman Senator Richard Gordon na maaring sampahan ng kasong paglabag sa mga probisyon ng Civil Code on Quasi-delicts ang Sanofi.
Giit ni Gordon, depektibo, at delikado ang anti-dengue vaccine na ibinenta nito sa ating gobyerno sa halagang 3.5 billion pesos.
Ayon kay Gordon, malaki ang pinsalang nagawa ng Sanofi kaya dapat itong managot at magbayad din ng malaki.
Sabi pa ni Gordon, ang mga opisyal at empleyado ng kompanyang Sanofi ay maari namang ipagharap ng kasong kriminal dahil sa pakikipag sabwatan sa mga opisyal ng gobyerno na umano’y nagmaniobra sa pagbili ng nabanggit na bakuna.