DENGVAXIA ISYU | Malacanang, hindi muna pinansin ang rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee

Manila, Philippines – Ayaw munang magbigay ng komento ng Palasyo ng Malacanang sa resulta ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa issue ng Dengvaxia Vaccine na inilabas kanina ni Senador Richard Gordon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hihintayin nalang ng Malacanang ang magiging resulta ng ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa nasabing issue.

Matatandaan na inatasan ang NBI na magsagawa ng case-build up sa Dengvaxia para malaman kung mayroong pananagutan ang mga nakaraang opisyal ng Pamahalaan sa kontrobersiya sa Anti-Dengue Vaccine.


Matatandaan na sinabi ni Senador Gordon na dapat mapanagot sa kasong technical malversation sina dating Pangulong Noy-Noy Aquino, Dating Budget Secretary Florencio Butch Abad at dating health Secretary Janet Garin at iba pang opisyal na mayroong kinalaman sa pagbili ng gobyerno ng Dengvaxia vaccine.

Facebook Comments