DENGVAXIA | Kapatid at mga security escort ni PNP Chief Dela Rosa, inoobserbahan na rin matapos maturukan

Manila, Philippines – Inoobserbahan na rin ngayon ang kapatid at ang mga security escort ni PNP Chief Ronald Dela Rosa matapos na maturukan rin ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Dela Rosa, nagkataon noong nasa White House sa Camp Crame ang kanyang kapatid na deaf mute na hindi na pinangalanan pa ng opisyal kaya isinabay na ng kanyang mga security escort sa pagpapaturok ng Dengvaxia vaccine.

Sa kasalukuyan aniya malimit na magkasakit ang kaniyang kapatid ngunit hindi naman nila maiturong ito ay dahil sa dengvaxia kaya patulyo nilang inoobserbahan.


Maliban sa kapatid at security escort ng PNP Chief iniutos na rin ni Dela Rosa sa PNP Health Service ang malawakang monitoring sa kondisyon 14 na libong pulis na naturukan ng Dengvaxia Vaccine.

Facebook Comments