Manila, Philippines – Plantsado na ang mga kasong isasampa ng Public Attorney’s Office laban sa mga responsable sa mga batang namatay matapos maturukan Dengvaxia.
Sa interview ng RMN, kinumpirma ni PAO Chief Atty. Persida Acosta na kasong kriminal, administratibo at sibil ang nakatakdang isampa laban sa mga respondent.
Hindi man pinangalanan ni Acosta kung sino-sino sa nakaraang administrasyon na sangkot Anti-Dengue Vaccination program ng Aquino Administration ang kakasuhan, tiniyak ni Acosta na hindi nila palulusutin ang manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur
.
Sa ginawang pagsusuri ng PAO Forensic Expert na si Dr. Erwin Erfe, pito sa mga namatay na nabakunahan ng Dengvaxia ay kinakitaan nila ng pagdurugo ng utak, baga at iba pang vital parts na sintomas ng pagkakaroon ng dengue virus at yellow fever na galing sa Dengue.