DENGVAXIA | Mahigit 47 libong naturukan sa Pampanga, tinututukan ngayon ng DOH region 3

Manila, Philippines – Puspusan ang ginagawang monitoring ngayon ng Department of Health Region 3 sa mga batang natirukan ng Dengvaxia noong 2016.

Base sa record ng DOH Region 3, umakyat na sa 47,358 na mga bata sa Pampanga ang naturukan ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine.

Una rito, tatlong mga estudyante na nasawi dahil sa naturukan ng Dengvaxia sa Magalang, Pampanga ang nakatanggap ng 10 libong pisong cash assistance at isang sakong bigas mula sa Provincial Welfare and Development Office.


Paliwanag ng DOH, mahalaga na masubaybayan ang mga batang naturukan ng Dengvaxia sa Region 3 upang makagawa agad ng kaukulang hakbang ang Kagawaran ng Kalusugan hinggil sa naturang kontrobersiyal.

Facebook Comments