DENGVAXIA | Mga eksperto mula sa WHO, dumating na sa bansa

Manila, Philippines – Anim na eksperto ang ipinadala ng World Health Organization (WHO) dito sa Pilipinas upang tumulong sa Department of Health (DOH) kaugnay sa ilang usapin ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, layon ng koordinasyong ito ng DOH sa WHO na palakasin ang surveillance system ng health department sa mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Layon din nito ang pagpapaigting ng pagtukoy ng adverse event o yung mga hindi inaasahang epekto ng Dengavaxia vaccine lalo at malinaw na ibang-iba ang Dengvaxia kumpara sa ibang mga bakuna.


Ang ipinadalang grupo na ito ay binubuo ng (2) eksperto mula mismo sa WHO na eksperto sa mga bakuna at surveillance. (1) Pediatrician mula sa Thailand, (1) ispesyalista sa internal medicine, (1) pathologist mula sa Malaysia at (1) pang kilalang dengue expert.

Inaasahang makikipagtulungan ang mga ito sa Dengvaxia task force na una nang binuo ng DOH, at tatagal sila dito sa bansa hanggang sa Biyernes.

Facebook Comments