Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng ng Department of Health (DOH) na nangangailangan sila ng 500 katao para maging miyembro ng team na magsasagawa ng surveillance sa mga nabakunahan ng Dengvaxia..
Ayon kay Health Secretary Francisco Doque III, mahalaga ito dahil sa 837 libong nabakunahan ng Dengvaxia hirap nilang matukoy ang mga kinaroroonan ng mga ito kung saan nalalaman nila ang isang biktima kung ito ay nasa ospital na.
Paliwanag ni Doque, ang pangpasweldo sa mga makukuhang miyembro ng surveillance team ay mula sa kanilang budget.
Sa datos ng DOH sa kasalukuyan ay umabot na 14 na bata ang nasawi umano dahil sa Dengvaxia vaccine, samantala sa Public Attorneys Office nasa 26 naman ang hinihinalang nasawi na nabakunahan ng Dengvaxia.