DENGVAXIA | Monitoring ng DOH sa mga naturukan, mas lalong hihigpitan

Manila, Philippines – Mas paiigtingin ng Department of Health ang kanilang monitoring sa mga naturukan ng Dengvaxia vaccine ngayong taon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sa pagbabalik ng klase ng mga estudyante sa susunod na linggo mamamahagi sila ng liham sa mga magulang ng mga bata na naturukan ng Dengue Vaccine.

Nakasaad aniya rito ang mga dapat gawin sakaling may mapansin na kakaiba sa kalusugan ng kanilang mga anak, update sa ginagawa ng pamahalaan sa kasong Dengvaxia at kung saang ospital dadalhin ang mga bata na magkakaroon ng sakit.


Ngayong araw, sinabi ni Duque na magco-convene ang mga Health expert na miyembro ng kanilang binuong panel na nagsusuri sa mga data na kanilang nakalap.

Ang mga naturukan anyang mga bata na may nararamdamang kakaiba ay ipinadadala nila sa Philippine General Hospital upang doon masuri ng kanilang mga his health expert.

Facebook Comments