Manila, Philippines – Posibleng maghain ng petisyon sa korte ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kanilang imbestigasyon sa kontrobersiyal na P3.5-B anti-dengue vaccine program ng Depart of Health.
Ayon kay NBI National Capital Region Deputy Director Atty. Cesar Bacani, may ilan kasing stakeholders na may kinalaman sa transaksyon ang tumatangging makipagtulungan sa imbestigasyon.
Sa ngayon, may mga hawak nang mga dokumento ang NBI na magbibigay-linaw sa kanilang imbestigasyon.
Kabilang sa mga naunang pinadalhan ng subpoena ang DOH, FDA, WHO, Sanofi Pasteur at iba pang stakeholders na maaaring may kinalaman sa pag-apruba ng ng kinukuwestiyong bakuna.
Partikular aniya ang mga dokumento na hawak nila ang magbibigay ng linaw sa isyu ng malversation of public funds, procurement process at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act o Republic Act 3019.
Gayunman, may ilan aniyang stakeholders na tumatangging makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon.