DENGVAXIA | NBI, tiniyak na mabibigyan ng pagkakataon si dating PNoy na madepensahan ang sarili

Manila, Philippines – Tiniyak ng National Bureau of Investigation (NBI) na bibigyan si dating Pangulo Noynoy Aquino ng pagkakataong madepensahan ang kanyang sarili sa Office of the Ombudsman kaugnay ng kinakaharap nitong kaso kaugnay sa isyu ng Dengvaxia.

Tugon ito ng NBI matapos ihayag ni Aquino na hindi siya binigyan ng NBI ng due process sa imbestigasyon nito sa kontrobersiya.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, mayroong ‘independent’ at ‘honorable’ Ombudsman para silipin ang kanilang findings at alamin kung mayroon itong probable cause.


Nitong July 16, naghain ang NBI ng criminal complaint laban kay Aquino at iba pang akusado sa Ombudsman dahil sa pagkakasala ng technical malversation.

Facebook Comments