Bataan City – Bunsod ng mga napabalitang mga namatay sanhi ng epekto ng Dengvaxia Vaccine sa Bataan ay nagsasagawa ngayon ng orientation sa mga magulang sa ibat-ibang paaralan ng lalawigan.
Pinangunahan ito ng mga city at health personnel katuwang ang Department of Health (DOH) at DepEd para turuan ang mga magulang ng may halos labinlimang libong kabataan sa Bataan na nabakunahan ng Dengvaxia, kung ano ang mga pangunahing dapat gawin kapag may mga sintomas ng dengue at iba pang napaulat na epekto ng nabanggit na bakuna o vaccine.
Sa kasalukuyan ay may napaulat na tatlong namatay na nabakunahan ng Dengvaxia subalit under investigation pa ito ng DOH.
Samantala, iniulat din ng mga local health offices sa mga bara- barangay na mayroon nang dengue express lane sa Bataan General Hospital kung saan prayoridad dito na maunang gamutin o asikasuhin ang mga may sintomas ng dengue at iba pang epekto bunsod ng Dengvaxia vaccine.