DENGVAXIA | Palasyo, pinababantayan sa DOH ang mga batang naturukan

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na dapat ay makagawa ng paraan ang Department of Health (DOH) para mapanatili ang magandang kalusugan ng kabataan.

Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng kontrobersya na bumabalot sa Dengvaxia o ang Anti-Dengue Vaccine na ipinatupad noong nakaraang adminsitrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, malinaw naman ang utos ni Pangulong Duterte na hindi napat magturuan at magsisihan.


Ang gusto aniya ni Pangulong Duterte na gawin ng DOH ay imonitor nito ang mga batang naturukan ng vaccine at bigyan ng karampatang tulong o suporta para mapag-ingatan ng mga ito ang kanilang kalusugan.

Sa ngayon, aniya ay hindi magtuturo si Pangulong Duterte at tatalima lamang ang pangulo sa anomang magiging resulta ng pagaaral o imbestigasyon ng Senado ukol sa usapin.
Batay sa report ng Public Attorney’s office (PAO) ay mayroon umanong 7 kabi ng mga bata ang sumailalim na sa pag-aaral para malaman kung may kaugnayan sa Dengvaxia ang pagkamatay ng mga ito.

Facebook Comments