Manila, Philippines – Pinawi ni Dr. Edsel Salvana, Director of the Institute of Molecular Biology and Biotechnology at the National Institutes of Health at the University of the Philippines Manila, ang pangamba ng publiko na napakadelikado ang mga naturukan ng Dengvaxia.
Ayon kay Dr. Salvana, na siya ring Clinical Associate Professor and Research Coordinator ng Section of Infectious Diseases of the Department of Medicine ng Philippine General Hospital, na ang mga pasyente na nagka-dengue at naturukan na ng Dengvaxia ay mas mababa ng 90 porsyente na mahahawa o magkakasakit habang point 2 percent naman ang mga tao na hindi nagka-dengue pero naturukan ng Dengvaxia.
Paliwanag ni Dr. Salavana na kasalukuyan ding pinuno ng sub-committee for HIV sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases na dapat huwag mag-panic ang publiko at tingnan mabuti ang siyensa dahil batay sa pag-aaral wala naman namamatay dahil sa naturukan ng Dengvaxia sa mga nakalipas na taon.