DENGVAXIA | Paninagong kaso, isinampa laban kay Health Sec. Duque

Manila, Philippines – Nahaharap nanaman sa panibagong kaso sa DOJ si Health Sec. Francisco Duque III kaugnay ng kontrobersyal na Dengvaxia anti-dengue vaccine.

Kanina, naghain ng hiwalay na reklamo sa DOJ ang mga kamag-anak ng nasawing si Jansyn Art Bataan.

Sa tulong ng Public Attorney’s Office o PAO, nagtungo sa DOJ sina Darwin Bataan at Merlyn Bataan ng Camarin Caloocan City para magsampa ng kaso.


Ang trese anyos na si Jansyn Art Bataan ay naturukan ng dengvaxia noong November 29, 2017 o sa panahon na ni Sec. Duque na ang kalihim ng DOH.

Na-comatose si Jansyn bago tuluyan binawian ng buhay noong January 13, 2018.

Mga kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide at paglabag sa Anti-Torture law ang inihaing reklamo ng mga complainant laban kina…
– DOH sec. Francisco duque III,
– Dating health sec. Janette garin
– Dr. Vicente belizario jr
– Dr. Kenneth hartigan-go
– Dr. Lyndon lee-Suy at iba pang dati at kasalakuyang opisyal ng DOH

Sabit din sa kaso ang mga opisyal ng kumpanyang Sanofi Pasteur na gumawa ng Dengvaxia, gayundin ang mga opisyal ng Zuellig Pharma Corporation na siyang naging distributor ng Dengvaxia sa bansa.

Facebook Comments