DENGVAXIA | PAO, binara sa pagdinig sa Kamara

Manila, Philippines – Sinopla ng isang Pathologist ang naging findings ng Public Attorney’s Office (PAO) tungkol sa mga batang nasawi umano dahil sa Dengvaxia vaccine.

Ang resulta ng imbestigasyon ng PAO ang naging basehan para sampahan ng kaso sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Health Secretary Janet Garin.

Sa ikalawang pagdinig mula ng buksan muli kahapon ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang imbestigasyon sa Dengvaxia controversy, ay humarap ang Pathologist na si Dr. Raymundo Lo.


Iginiit ni Dr. Lo na walang basehan at hindi lohikal ang findings nila Dr. Erwin Erfe ng PAO tungkol sa resulta ng autopsy ng mahigit 100 batang nabakunahan ng Dengvaxia.
Bukod dito, wala ding sapat na training ang PAO para magkaroon ng matibay na conlusion sa ikinamatay ng mga bata.

Facebook Comments