Manila, Philippines – Tiniyak ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Atty. Persida Acosta na dadalo sila ni Director for Forensic Dr. Erwin Efre sa susunod na pagdinig ng Senado hinggil sa Dengvaxia controversy.
Ito ay matapos iminungkahi ni Senate Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito na i-subpoena ang mga naturang opisyal kasunod ng hindi pagdalo sa kabila ng tatlong beses na umanong inimbitahan ang mga ito ng komite.
Sinabi naman ni Blue Ribbon Chair Senator Richard Gordon, hindi dapat matakot ang dalawang opisyal at tiniyak na walang gulong magaganap sa pagtugon ng komite sa isyu.
Matatandaang magkaiba ang lumabas na resulta ng autopsy at imbestigasyon ng pao sa ilang eksperto sa mga batang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia.