Manila, Philippines – Dismayado si PAO Chief Atty. Percida Rueda Acosta sa ilang mamamahayag na nagkokober sa usapin ng Dengvaxia dahil ilang aniya sa Media ay nagfu-full out o umaalis sa mga Presscon kapag ang pinag uusapan ay may kinalaman sa Dengvaxia.
Ayon kay Atty. Acosta tatlong expert na Asyano ang planong magsasagawa ng eksaminasyon para alamin kung talagang may kinalaman sa Dengvaxia ang pagkasawi ng 56 na kataong naturukan ng Dengvaxia.
Sa ginanap na forum sa Plaridel sa Kapihan sa Manila hotel sinabi naman ni PAO Forensic expert Dr. Erwin Erfe na ang pagkuha ng DOH sa Asian Expert ay preparasyon lamang sa kanilang depensa at sa tingin aniya ng PAO ay nagsasayang lamang ng pera ang gobyerno kaya dapat aniyang suriin ng husto ang kanilang mga gagawing eksaminasyon.
Paliwanag ni Dr. Erfe na ang pagkuha ng Asian Expert ay katulad aniya ng pagkuha ng UP PGH Panel of Expert dahil hindi naman alam kung ano ang gagamitin nilang resulta sa kanilang gagawing examination na mga naturukan ng Dengvaxia.