Manila, Philippines – Pumalag ang Public Attorney’s Office sa mga report na hindi nila isinasama ang Department of Health sa imbestigasyon ng mga kasong may kinalaman sa Dengue Vaccine.
Sa interview ng RMN kay PAO Chief Persida Acosta – iginiit niya na hindi naman sumulat ang DOH kaugnay sa kagustuhan nilang sumama sa isinasagawang imbestigasyon ng PAO.
Pero, bukas naman aniya ang PAO na makipagtulungan sa binuong Independent Forensic Team ng DOH.
Sa ngayon, pitong labi na ang nasuri ng PAO na kumpirmadong namatay dahil sa Dengvaxia.
Ang mga makukuhang ebidensya ng pao sa mga nasuring labi ng mga biktima ang gagamitin aniya nilang batayan sa pagsasampa ng kaso laban sa mga responsable sa pagbibigay ng bakuna na Dengvaxia.
Facebook Comments