DENGVAXIA | PAO, umapela sa mga magulang ng nabakunahan para mabigyan ng legal assistance

Manila, Philippines- Nanawagan ang Public Attorney’s Office sa mga magulang na naturukan ang kanilang mga anak ng Dengvaxia na makig-ugnayan sa kanilang tanggapan upang mabigyan ng legal na suporta.

Sa ginanap na Forum sa Manila hotel, sinabi ni PAO Chief Persida Rueda Acosta na hindi biro ang naturang usapin dahil marami na umanong namamatay na mga batang naturukan ng Dengvaxia sa Bataan.

Paliwanag ni Acosta, inatasan sila ng DOJ sa pamamagitan ng Department Order 792 na binibigyan sila ng kapangyarihan na mag-represent sa posibleng biktima ng Dengvaxia na bigyan ng libreng legal assistance ang mga nabiktima ng naturang sakit.


Giit ni Acosta na hindi siya umeepal gaya ng mga akusasyon sa kanya ng mga kritiko dahil bilang isang ina nararamdaman nito ang pakiramdam ng mga magulang na may mga anak na naturukan ng Dengvaxia na hindi nila malaman kung ano ang kanilang gagawin upang mabigyan ng hustisya at managot sa batas ang nasa likod ng naturang kontrobersya na bakuna sa Dengue.

Facebook Comments