Manila, Philippines – Sasagutin ng PhilHealth ang gastusin sa pagpapa-ospital ng mga batang tatamaan ng severe dengue dahil sa Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III 16,000 piso ang iko-cover ng PhilHealth sa severe dengue cases.
Matatandaan na naging kontrobersyal ang nasabing Dengvaxia vaccine matapos aminin ng Sanofi Pasteur na maaaring makaranas ng severe dengue ang mga naturukan nito kapag hindi pa nakaranas o na-expose sa sakit na dengue.
Napabalitang ilan na umanong batang naturukan ng Dengvaxia na namatay at na-ospital kung saan patuloy pa rin naman itong iniimbestigahan ng DOH at iba’t-ibang sangay ng pamahalaan.
Facebook Comments