DENGVAXIA | Resulta ng imbestigasyon, hihintayin ng Pangulo bago magkumento

Manila, Philippines – Hindi pa nagkokomento si Pangulong Rodrigo Duterte sa issue ng Dengvaxia o ang Anti-Dengue Vaccine.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hahantayin muna ni Pangulong Duterte ang resulta ng imbestigasyon ng Senado at ng Department of Justice sa nasabing issue.

Tiniyak din naman ni Roque na gagawin ni Pangulong Duterte ang lahat para maparusahan ang mga indibidwal na mapatutunayang nagkasala.


Pero pabor din naman aniya si Pangulong Duterte sa pahayag ng Department of Health na ipabalik sa Sanofi Pasteur ang bahagi ng ibinayad ng gobyerno sa Dengvaxia.

Facebook Comments