Manila, Philippines – Pinapasumite ni Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito sa Department of Health o DOH at iba pang medical experts ang resulta ng imbestigasyon ukol sa pagkamatay ng ilang bata na nabigyan ng Dengvaxia.
Plano ni Ejercito na magsagawa ng pagdinig ukol sa Dengvaxia sa ikatlong linggo ng Enero o kaya ay sa unang bahagi ng Pebrero.
Kabilang aniya sa tututukan ng pagdinig ang sinasabing magkakaparehong pattern ng pagkamatay ng ilang bata na nabakunahan ng Anti-Dengue Vaccine.
Giit ni Ejercito sa DOH at medical experts, gawing malaliman ang imbestigasyon.
Nanganamba si Ejericto para sa halos 830,000 na mga bata na nabigyan ng nabanggit na bakuna lalo pa at isa sa mga ito ang kanyang anak na si Emilio.
Facebook Comments