DENGVAXIA | Resulta ng pagsusuri ng PGH sa mga namatay na nabakunahan, inilabas na

Manila, Philippines – Lumabas na ang resulta ng isinagawang pagsusuri ng Philippine General Hospital (PGH) sa mga namatay na nabakunahan ng Dengvaxia vaccine.
Sa 14 na bangkay na sinuri ng PGH, 3 lamang ang nasawi dahil sa Dengue.

Sa labing apat na bangkay na una nang sinuri ng Philippine General Hospital (PGH), matapos mapaulat na nasawi makarang mabakunahan ng Dengvaxia vaccine, tatlo lamang dito ang kumpirmadong nasawi dahil sa Dengue.

Sa tatlong nasawi dahil sa Dengue, dalawa lang dito ang nakitaan ng sintomas ng severe Dengue.


Gayunpaman ayon kay Dr. Julie Aguilar ng Philippine General Hospital, bagamat nabakunahan ng Dengvaxia ang mga ito, hindi pa masasabi kung Dengvaxia failure nga ang dahilan kaya’t nasawi ang dalawang biktima.

Ayon kay Aguilar, magsasagawa pa sila ng mga karagdagang pagsusuri tulad ng pagsailalim sa mga ito sa tissue analysis, at Dengvaxia autopsy.

Sa ginawang pag-aaral ng PGH, lumalabas na ilan sa mga biktima ay nasawi dahil sa sakit na Lupus, Congenital Heart Disease at Brain Infection na sumakto lang aniyang naramdaman ng mga biktima matapos maibigay ang Dengvaxia vaccine.

Facebook Comments