DENGVAXIA | Salaping ibinalik ng Sanofi, nais ni Senator Legarda na mapakinabangan ng mga nabakunahan ng Dengvaxia

Manila, Philippines – inihain ni committee on finance Chairperson Senator Loren Legarda ang Senate Bill No. 1794 kung saan ipinapalaan sa mga nabakunahan ng Dengvaxia ang 1.16 billion Pesos na isinauli ng Sanofi Pasteur sa pamahalaan.

Ang nasabing halaga ay refund ng Sanofi para sa Dengvaxia na hindi na ipinaturok ng Department of Health (DOH).

Naka-paloob sa panukala ni legarda na ang salaping ibinalik ng sanofi ay gagawing supplemental budget ngayong taon na papamahalaan ng DOH.


Gagamitin ito para pambili ng medical kits, gayundin sa pagpapa-ospital, check up at laboratory tests ng nasa 830,000 na binakunahan ng Dengvaxia.

Facebook Comments