DENGVAXIA | SANOFI, inoobliga na magkaroon ng trust fund para sa mga nabakunahan

Manila, Philippines – Hinikayat ni House Committee on Dangerous Drugs Vice Chairman Arnolfo Teves ang gobyerno na i-demand sa Sanofi-Pasteur ang trust fund para sa pagpapaospital sa mga estudyanteng naturukan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Teves, dapat hilingin ang nasa P2 Bilyong pondo o atleast P50,000 sa bawat bata para sa hospitalization needs at iba pang pangangailangang medikal ng mga mag-aaral na nabakunahan.

Hindi aniya sapat ang refund na P1.2 Billion ng Sanofi sa pamahalaan para ipakitang sinsero sila sa pagresolba sa problema ng maraming pamilya na nabakunahan ang mga anak ng Anti-Dengue Vaccine.


Pero, nilinaw ng kongresista na hindi ito mangangahulugan na lusot na sa pananagutan ang Sanofi Pasteur.

Hiniling din nito na parusahan ang mga nasa likod ng pag-e-experiment sa mga estudyante na ginawang parang mga guinea pig dahil wala man lang ibinibigay na sapat na impormasyon at walang consent mula sa mga magulang ng mga bata.

Facebook Comments