DENGVAXIA | Sanofi Pasteur, nagsisinungaling?

Manila, Philippines – Inakusahan ni Health Secretary Francisco Duque ang Sanofi Pasteur ng ‘mental dishonesty’ o pagsisinungaling.

Sa pagdinig, iginiit ni Duque, kumambiyo ang Sanofi sa klase ng dengue na posibleng tumama sa mga nabakunahan ng Dengvaxia na walang history ng sakit mula sa una’y severe at sa huli naging grade 1 at 2 na sintomas na lamang.

Inamin naman ni dating Health Sec. Paulyn Ubial na matinding pressure ang nagtulak sa kaniya para ituloy ang pagbibigay ng Dengvaxia.


Nanindigan naman si Thomas Triomphe, Head of Asia Pacific ng Sanofi Pasteur na epektibo at ligtas ang kanilang Dengvaxia.

Gayunman, hindi aniya nila maipapangako na sasagutin nila ang gastos sakaling magkaroon ng malalang sakit ang binigyan ng Dengvaxia na hindi pa nagkaka-dengue.

Facebook Comments