DENGVAXIA | Sanofi Pasteur, pinagmumulta ng FDA

Manila, Philippines – Pinagmumulta ng isang daang libong piso (P100,000) ang pharmaceutical company na Sanofi Pasteur matapos itong mapatunayang lumabag sa batas ng Food and Drug Administration (FDA) kaugnay ng pagrehistro nito sa kontrobersyal na Dengvaxia.

Ayon sa FDA, lumabas sa records at ebidensya na hindi sumunod ang Sanofi Pasteur sa post-marketing authorization issuance commitments at regulatory requirements para sa Dengvaxia at Dengvaxia MD.

Bukod pa dito, sinuspinde rin ng DFA ang certificate of product registration ng Dengvaxia ng isang taon.


Una nang sinuspinde ng FDA ang pagbebenta ng Dengvaxia matapos mapagalama na pwedeng magdulot ng mas malalang sintomas ang mga mababakunahang hindi pa nagkaka-dengue na naging dahilan ng pagkaalarma ng publiko.

Facebook Comments