Manila, Philippines – Pinayuhan ni Committee on Health Chairman Senator JV Ejercito ang Public Attorney’s Office o PAO na makipag-ugnayan sa mga health experts kaugnay sa ginagawa nitong pagsusuri sa imbestigasyon sa mga nasawi na nabakunahan ng Dengvaxia.
Giit ni Ejercito, nasa University of the Philippines – Philippine General Hospital o UP-PGH ang mga eksperto at Forensic Pathologist na mas karapat-dapat magsuri at magsalita ukol sa Dengvaxia.
Ipinunto ni Ejercito na dahil hindi ekperto ay nakakapagdulot ng pangamba at panic sa publiko ang mga pahayag ng PAO ukol sa kontrobesyal na Anti-Dengue Vaccine.
Ayon kay Senator JV, kung nais ng PAO na mapalakas ang kaso laban sa Sanofi ay dapat hindi nito solohin ang kilos at makipag-coordinate sa panig ng mga eksperto ukol sa Dengvaxia.