DENGVAXIA | Senator Sotto, kinwestyon ang pagsusuri ng PAO sa mga nasawi na nabakunahan

Manila, Philippines – Kinwestyon ni Senate Majority Leader Tito Sotto ang ginagawang pagsusuri ng public attorney’s office o PAO sa mga nasawi na nabakunahan ng anti dengue vaccine na dengvaxia.

Tanong ni Sotto, medical group na ba o under ng Department of Health ang PAO na sa pagkakaalam niya ay nasa ilalim ng Department of Justice.

Nangangamba si Sotto na posibleng hindi tumayo sa korte ang magiging resulta ng imbestigasyon ng PAO dahil hindi naman ito mga forensic experts.


Sa kanyang pagsalang sa Commission on Appointments o CA hearing ay ipinaliwanag naman ni Health Secretary Francisco Duque III na ang PAO ang kumakatawan sa mga biktima ng Dengvaxia.

Ayon kay Duque, inaasahang ngayong Biyernes ay mailalabas na ang resulta ng imbestigasyong isinasagawa ng mga technical experts at ng University of the Philippines-Philippine General Hospital.

Facebook Comments