DENGVAXIA | Ubial, naghain ng kontra salaysay sa DOJ

Manila, Philippines – Naghain ng counter affidavit sa DOJ si dating Health Secretary Paulyn Ubial, sa pamamagitan ng kanyang abogado.

Ang nasabing kontra salaysay ay una nang pinanumpaan ni Ubial noong Miyerkules dahil siya ay kasalukuyang nasa conference sa Vietnam.

May kaugnayan ang kaso ni Ubial sa reckless imprudence resulting in homicide na isinampa ni dating Health Secretary Janet Garin kaugnay ng Dengvaxia controversy.


Una nang inakusahan ni Garin si Ubial na responsable raw sa pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Ito ay dahil si Ubial daw ang nag-expand ng community-based dengue immunization program habang si Garin ay school-based program lamang.

Sa kanyang counter-affidavit, iginiit naman ni Ubial na ang Dengue Vaccine Advisory Group at ang DOH Core Executive Committee ang nagrekomenda na i-expand ang dengue immunization program.

Facebook Comments