DENGVAXIA | Update sa ika-12 kaso ng PAO kaugnay ng Dengvaxia controversy

Manila, Philippines – Bitbit ang dalawang malalaking karton ng mga dokumento. Inihain ng PAO sa DOJ ang ika–12 kasong kriminal laban sa tatlumpung mga opisyal ng health department laban sa mga dating opisyal ng Aquino administration at ng Sanofi Pasteur.

Kaugnay ito sa pagkamatay ng onse anyo na si John Paul Rafael ng Bagac, Bataan noong April 11, 2016.

Ayon sa kanyang tiyahin na si Christina Ramirez, namatay ang kanyang pamangkin 11 araw lang matapos mabakunahan ng Dengvaxia.


Nilalagnat anya ang bata noong turukan ng Dengvaxia at tanging paracetamol lang ang pinainom bago bakunahan.

Kaugnay nito, nagbanta ang Public Attorney´s Office (PAO) na madadagdagan pa ang mga kasong isasampa nila sa DOJ kaugnay ng Dengvaxia kung saan, 73 nang mga namatay matapos mabakunahan ang kanilang nasuri.

Facebook Comments