Manila, Philippines – Magsasampa ng reklamong plunder ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga opisyal na sangkot sa kwestyunableng Dengvaxia deal sa ngayong darating na Linggo.
Ayon kay VACC Legal Counsel, Atty. Ferdinand Topacio – posibleng isama sa kanilang sasampahan ng reklamo sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Health Secretary Janette Garin.
Aniya, isinasapinal pa ang listahan ng mga respondents kabilang sina Aquino at Garin na itinuturing nilang ‘persons of interest.’
Sa oras na maihain, ito na ang pangatlong criminal complaint na kahaharapin ng mga dating opisyal.
Facebook Comments